Pekeng pera ipinapasok sa MCJ

TATLONG dalaw sa Manila  City Jail (MCJ) ang naaresto ng mga jailguard at kinasuhan sa piskalya matapos na  makuhanan ng  mga pekeng pera habang papasok sa piitan upang dalawin ang kanilang kamag-anak sa magkakasunod na insidente.

Kinilala ni MCJ Warden Sr.  Supt. Ruel  Rivera ang mga suspek na sina  Alimudin Pilas, 25, ng Baseco Compound; Ellen Abad, 50, ng No. 163 Ilaya st. Brgy. Buting Pasig City; at Annalyn Garcia, 27, ng No. 15 St. Paul st. Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Rivera, Setyembre 1 nang mahulihan ni JO1 Jeceldo Docena ng Gate Security Unit (GSU) si Pilas na may dalang 15 piraso ng P100. Bibisitahin nito ang inmate na si Datu Montasser.

Agosto 30  naman nang  makuha ni JO1 Andrew Cumayas ang tatlong piraso ng mga pekeng P500 mula sa  suspect na si Abad na dadalaw sa  kanyang asawang si Ramiro  Hernandez habang Agosto 26 naman nasabat ni JO1 Joy Arga  sa suspect na si Garcia ang siyam na piraso  P1,000 na nakatakda sanang ibigay sa kanyang mister na nakakulong na  si Ferdinand Tadeo.

Nabatid kay Rivera na ang mga naturang pera ay agad na ipinasuri sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan  lumitaw na peke ang mga  nasabing denominations.

Giit ni Rivera, ang pagkakahuli sa tatlo ay indikasyon lamang na  mahigpit ang kanilang ginagawang  searching sa mga bisita  alinsunod na rin sa kautusan ni  Bureau of Jail Management and Penology  (BJMP) Director Rosendo Dial.

Aniya, tinitiyak nilang hindi nakakapasok ang anumang mga kontrabando sa loob ng MCJ. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply