Pelikula ni Maja Salvador hindi kumita

NEGA si Maja Salvador. Hindi nakatulong para kumita ang pelikula niyang ‘Thelma’ ang mga kontrobersya na kinakaharap niya ngayon.

Hindi nakatulong ang pag-iyak ni Maja sa pekeng pagli-link nila kay direk Paul So- riano. Mas higit pang nakinabang si Toni Gonzaga dahil kahit pangalawang week na yung movie nila  ni Eugene Domingo, hit na hit pa rin.

Pero higit yatang naka-nega sa movie ay ang suntukan blues nina Coco Martin at Matteo Guidicelli over Maja. Oo nga, ang haba ng hair ni Maja, Biruin, pinag-aagawan siya ng dalawang guwapong lalaki. Pero  kay Maja pa rin nag-boomerang ang isyu.

Nakalkal tuloy na rati’y pinag-awayan si Maja nina Jason Abalos at John Wayne Sace. Ang the height may mga tsismis pang two-timer diumano si Maja.

Sa pagkakataong ito, si Matteo lang ang puwedeng magsalba at luminis sa name ng young actress kung namamangka nga ba ito sa dalawang ilog o hindi?

Ang dialogue na lang ni Maja ngayon sa mga interbyu niya : “Hindi ko po kasalanan na may nangyaring gano’ng insidente. Nagkataon lang na may nangyaring gano’n. At nasabay sa premiere night at showing ng aking pelikula,” paliwanag niya.

Hindi rin niya masagot nang diretso kung break na sila ni Matteo.

‘Yun na!

-0o0-

Isa pang mahaba ang hair ay si  Kylie Padilla dahil lantarang sinasabi ni Aljur Abrenica  na ito ang huling babaeng hinalikan  niya na may feelings.

Kylie ang isinulat ni Nomer na nagtugma sa sagot ni Aljur; si Kylie Padilla na hinalikan raw ni Aljur sa pisngi.

Si Kylie rin at mga kaibigan nito ang huling espesyal na taong dinala ni Aljur sa resort niya sa Batangas.
Kakai pala ang tawag ni Aljur sa young actress na nali-link sa kanya.

“Kasi po ano e, naghanap kasi ako ng nickname para kay Kylie, tawag ko kasi sa kan- ya, Kakai,” ang paliwanag ni Aljur.

Ang balita pa, mas pinili ni Aljur na gawin ang filmfest movie with Robin Padilla at Kylie kesa sa filmfest movie ni Cesar Montano.

Kabog

-0o0-

Nayanig ang top four Bigating Pinoy sa hindi inaasahang pagbabalik ng ex-cons sa Biggest Loser Pinoy Edition nu’ng September 6 matapos palayasin si Ryan sa camp.

Bilang pangalawang pagkakataon, makakatunggaling muli ng labindalawang pinaalis nang contestants ang apat na natitirang kalahok na sina Angela, Art, Larry, at Raf- fy sa isang serye ng mga hamon para susunod na weigh-in.

Ngunit, hindi pinalad sina Winwin at Andy na natanggal kaagad dahil sa pagdagdag nila ng timbang.

Kapag nagtagumpay ang top four, may mapapauwi silang ex-con. Kung hindi, mananati- li ang ex-cons sa camp.
Aminado naman ang 31-year old na si Ryan Razon na binigyan siya ng programa ng pag-asang abutin ang mga ninanais niya.

“Dahil sa BL experience ko, napagtanto kong ang mga pinakamagandang bagay sa buhay ay hindi libre. Dapat pagtrabahuhan mo yun,” pahayag niya.

Kahit na pinaalis na si Ryan sa camp, naangkin niya ang titulong pinakaunang Pinoy Biggest Loser contestant na nakapagbawas ng 100 pounds.

Sa simula ng kumpetisyon, 293 pounds ang naging timbang ni Ryan. Nilisan niya ang camp na may bigat na 189 pounds. Sa kabuuan, nagbawas siya ng 104 pounds.

Nagpaalam na rin noong Biyernes ang wild card contestant na si Leigh na aminadong mas masaya at mas magaan ang pakiramdam niya. Nagbawas siya ng kabuuang 46 pounds mula sa simula ng kumpetisyon at umuwi ng may timbang na 184 pounds na lamang.

“Ang experience ko sa BL camp siguro ang pinakamahirap na napagdaanan ko. Akala ko katawan ko lang ang magbabago noong pumasok ako sa camp. Hindi ko inasahan na emotionally at mentally challenging din siya. Hindi ko ipagpapalit ang experience na yun,” ani Leigh.

Abangan ang pagsasanib pwersa nina Ryan at Leigh sa isang bigating pagbabalik kasama sina Alan, Destiny, Eboy, Edden, Eric, Hazel, JM, at Joy.

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na twists ngayong linggo sa “Biggest Loser Pinoy Edition”.

-0o0-

Laking tuwa ng Indie Prince na si Edgar Allan Guzman ngayon dahil sunud-sunod ang blessings at dami ng magagandang projects coming his way. After his Cinemalaya hit movie na Ligo Na U, Lapit Na Me which gave him his much deserved best actor award and which will be released by Regal Films on September 28, Edgar is now taping for TV5’s Mini-Serye na Sa Ngalan Ng Ina with the one and only superstar Nora Aunor.

Umiikot din siya sa iba’t-ibang networks promoting Ligo Na U at naging leading man siya ni Kim Chiu sa isang toprated episode ng Maalaala Mo Kaya directed by Cathy Garcia-Molina. Sobra yatang nag-enjoy sila ni Direk Cathy kaya plano siyang isama sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin. Isa na namang dream come true kung matuloy po yun kasi idol ko po talaga si John Lloyd,” sabi ni Edgar. “Kailangan lang ipaalam kina Mother Lily at Ms. Roselle kasi nakakontrata po ako sa Regal pero sana matuloy po ito dahil alam kong marami akong matututunan kina Direk Cathy at John Lloyd.” Matatandaang noong tanungin si Edgar kung sino ang kanyang idol na mga aktor ng kanyang henerasyon ang sabi niya ay sina: John Lloyd Cruz, Coco Martin at Jericho Rosales.

Nakapag-guest na ulit si Edgar sa Eat Bulaga kung saan siya nagsimula. “Thankful po ako dahil sa Bulaga ako nanggaling — at ang saya po nung huling number namin with Kuya Bitoy, Jake Cuenca at Alden Richards na makakasama ni Edgar sa special show ng Wednesday Club nna BEAU-CON sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato on Saturday September 10.

Active rin si Edgar sa pagtulong sa kaibigan niyang si Joseph Bitangcol kung kaya’t kasama siya sa fund-raising project ng “Lokomoko” at Star Circle Quest group enti- tled FOR THE LOVE OF JOSEPH sa September 15 sa Zirkoh Morato rin. “Lahat po kami ay magtutulung-tulong para makatuklong sa sitwasyon ni Joseph na medyo matagal nang hindi nakapagtrabaho dahil sa kanyang sinapit na aksidente. Pero sana talaga, in God’s time, makabalik na siya sa taping namin dahil nakaka-miss po ang kakulitan niya,” sabi ni Edgar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply