Pelikula nina Kathryn Bernardo, Julia Montes kumita

AMINADO ang mga taga Star Cinema na hindi super blockbuster ang movie na pinagbidahan ng mga star ng “Mara Clara” na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes na “Way Back Home” pero hindi naman daw makatarungang isulat ng iba riyan na flopsina ito. Mismong mga nakausap namin na nakapanood ng movie nina Kathryn at Julia ay nagsasabing marami namang tao sa loob ng sinehang pinasukan nila.

Another thing, papano malulugi ang project na ito eh hindi naman gaanong kalakihan ang production cost nito? Para sa mga insecure riyan na naghahamon sa Star Cinema na maglabas sila ng exact figures sa kinita sa takilya ng Way Back Home, ayon pa mismo sa beloved angel namin ni BFFT Pete A. na si Sir Roxy Liquigan (ADPROM Publicity Manager ng Star Cinema), as of now ay nakaka P60 million na ang film nilang ito na ubod ng ganda ang istorya.

In the first place, among our movie outfits today, certified number one na ang Star Cinema. Di ba naman tumatabo nang husto sa takilya ngayon ang latest movie nilang “Wedding Tayo, Wedding Hind” na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Eugene Domingo, Zanjoe Marudo at Wendell Ramos, under the direction of Jose Javier Reyes.

Ang aangal, chakakan gyud!

***

Mga nagparehistro sa Juan For All, may chance na manalo ng P10,000 cash

DAHIL month of “ber” na, na ang ibig sabihin ay nalalapit na ang araw ng Kpaskuhan, aapaw na naman ang mga papremyo sa Eat Bulaga sa sorpresa ni Bossing Vic Sotto na Juan For All, All For Juan, sugod-bahay sa Barangay. Yes, dahil kahit na ‘yung mga nasugod ng barangay nila Wally, Jose at Paolo Ballesteros na mga nananalo na puwede pa uli silang magwagi ng halagang P10,000 kapag nabunot ni Bossing ang pangalan nila tuwing Sabado ito at apat ang puwedeng manalo rito ng P10K each. Kaya maging listo kayo para makasama sa raffle na ito sa Juan For All. Aba’y magpa-rehistro kaagad ng inyong pangalan sa Eat Bulaga Team na nagpunta sa inyong Barangay. At siyempre sa Bayanihan of ‘Da Pipol, apat na residente rin araw-araw ang puwedeng magkamit ng sampung libo bawat isa plus may additional cash pa na 2,000 hanggang 3,000 at gift pack mula sa Lucky Me Nam-Nam.

At para naman sa maayos na linya may paghahati-hatian na P20K ang mga kabilang rito. Grabe! Umaapaw na sa saya sangkatutak pa ang mga ipinamimigay na prizes sa Juan For All, All For Juan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply