Pera at pag-ibig

DALAWANG bagay ang madalas na kinasasangkutang problema ng ating mga OFW na wala namang kinalaman sa kanilang mga trabaho sa ibayong dagat.

Ito nga ay ang isyu na may kinalaman sa pera at pag-ibig.

Katulad na lamang sa mga mararangyang mga bansa kung saan maluwag ang mga itong mag-issue ng credit cards sa kahit kaninong lahi. Natural, kasama na diyan ang Pinoy. Halos ipagpilitan pa nga sa mga kababayan nating kumuha sila ng credit cards doon.

Kaya naman ang isang OFW hindi lamang isa o dalawa ang kanilang credit cards, kundi marami. At palibhasa’y hindi naman marunong sa paghawak ng pera at lalo pa ng credit card, naririyan pa rin ang ugaling todo-todo kung gumastos na para bang hindi naman niya babayaran ang mga inuutang gamit ang credit cards.

Iba nga naman yung pakiramdam na papirma-pirma lang at walang cash na inilalabas sa bulsa. Makikita ito sa mga personal na gamit ng mga OFW. Tulad na lamang ng cellular phone, palaging bago at sunod sa uso ang ating mga kabayan.

Nasabi nga nung isa nating OFW, napagalitan tuloy siya ng amo niya dahil mas magara pa ang cellphone niya kaysa sa employer.

May mga kaso rin tayong sa halip na makauwi na ng bansa, kapag baon na sa utang sa credit cards, talagang kinakasuhan at ipinapakulong pa nga ang ating mga kababayan doon. Akala nung isang OFW makakalusot siya, matapos itong bumili ng kanyang plane ticket pauwi ng Pilipinas, laking gulat na lamang niya ng hindi siya payagang makapag-check in ng immigration officer doon, dahil lumalabas aniya sa computer niya na may record si kabayan.

Kaya hayun, kalaboso ang kinahinatnan ng walang patumanggang pag-utang ng ating OFW gamit ang kanyang credit card.

Isa pang nagpapalala’ sa sitwasyon ng isang OFW ang pagkakaroon ng relasyon sa ibayong dagat. Natural nga naman, nagsosolo, nalulungkot kaya naghanap ng makakakuwentuhan at makakasama, na kadalasang nauuwi sa madalas na pagkikita at pagsasama, kaya naman sa bandang huli’y nagkakahulugan na ng loob sa isa’t isa.

Kapag nangyari iyon, tiyak malaking gulo na ang resulta niyan. Papalya na ng pagpapadala sa pamilya ang tatay na OFW.
Ganun din ang babaing OFW na naging karelasyon. Maliban na lamang kung ibang lahi ang kanyang magiging karelasyon. At kung parehong wala pang responsibilidad ang dalawa, okay pa yun dahil sa bandang huli, puwede naman silang magkatuluyan. Ang palaging senaryo diyan, magsasama na sa iisang bubong ang magkalaguyo. Natural may gastos na agad dun.

Mangungupahan sila ng bahay. Mamimili ng gamit. May buwanang gastusin tulad ng bayad sa kuryente, tubig, telepono, atbp.

Dagdag problema pa kapag nagbuntis ang kalaguyo. Siyempre inaasahan ang OFW na may buwanang pinapadala sa kaniyang pamilya. Hindi masyadong kumplikado ang sitwasyon kung dalaga ang naturang karelasyon. Pero paano kung mayroon din palang pananagutan na sa Pilipinas ang babae?

Ang lalaking OFW na karelasyon niya ang siya ngayong maooblliga na magpadala sa pamilya ng kanyang buwanang sustento para hindi nga naman mahalata na may nangyayari na sa kanya sa abroad.

Kaya ang kaawa-awang OFW natin na dati-rati’y 100% kung magpadala sa pamilya dito sa Pilipinas, magiging 30% na lamang, dahil ang mahigit 60% ng kinikita niya ay mapupunta na lamang sa mga gastusin sa abroad, pati na ang perang ipapadala sa pamilya ng babae.

Ganyan kakumplikado ang situwasyon ng isang OFW na nasasangkot sa problema ng pera at pag-ibig. Situwasyong kinasangkutan nila dahil ginusto nila. Pinili nila ang mapasok sa ganyang mga gusot.

May mga kuwento tayo ng mga babaing OFW na nagka-anak sa abroad, pero hindi na nalaman ng kanilang mga asawa at pamilya dito sa Pilipinas. Pinili na rin nilang itago ito sa kanilang mga mahal sa buhay at sa bandang huli’y kusa na lamang na hindi na uuwi at ipagpapatuloy na ang pakikipagrelasyon doon. Sa pag-aakalang hindi naman sila masusundan kung mamumuhay na lamang sila sa abroad.

***

Bantay OCW sa Radyo Inquirer 990 AM
Ang Bantay OCW ay mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes 7:00-8:30 p.m. sa DZIQ Radyo Inquirer 990 AM. Para po sa inyong mga problema, hinaing at kahilingan, maaring magtungo sa Radyo Inquirer studio, 2nd Floor Media Resource Plaza Building, Mola St. cor. Pasong Tirad St., Barangay La Paz, Makati City. Para sa mga OFW sa ibayong dagat, mag-log on lamang sa www.dziq.am

Bantay OCW sa PTV Channel 4
Ang Bantay OCW ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 10:15-11:15 p.m. sa PTV Channel 4. Mapapanood din sa pamamagitan ng internet: www.ptni.tv

Bantay OCW Foundation Operations Center
Ang Bantay OCW Foundation Operations Center ay naglilingkod araw-araw Lunes hanggang Biyernes 8:00 a.m.-5:00 p.m. sa 631 Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Maaari po kayong makipag-ugnayan sa ating mga telepono: 5357209, 8819423 at 0919214.0699.

Telephone Numbers:  5357209, 8819423 at 09192140699.

Email: susankbantayocw@yahoo.com/bantayocwfoundation@yahoo.com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply