Permit sa pagmimina ng ginto pinahihigpitan

NANAWAGAN si Senador Loren Legarda Chairman ng Senate Committee on Cultural Communities sa environment officials at Local Government Units (LGU’s) na maging mahigpit sa pagbibigay ng permit sa mga nais pumasok sa pagmimina ng ginto sa bansa.

Ito ay bilang reaksyon ng senadora sa report na marami ng mga magmimina ang inabandona ang ibang uri ng pagmimina at lumipat na sa pagmimina ng ginto.

Marami na ring  mga mamumuhunan mula sa Estados Unidos ang nagnanais magmina sa bansa, matapos ang financial crisis sa Amerika, kung saan ay umabot na ang presyo ng ginto sa $1,900 per ounce at nakatakdang umabot pa ito sa $2,000 sa buwan ng Disyembre.

Una rito ay inihayag ni Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje na kung saan ay talamak na ngayon ang pagmimina ng ginto sa Compostella Valley, sa lalawigan Agusan, Masbate, Cagayan Valley at Nueva Vizcaya, matapos  tumaas ang presyo sa pandaigdigang merkado.

Nangangamba si Legarda sa maidudulot ng talamak na pagmimina ng ginto sa bansa na makakaapekto sa kalusugan ng mamamayan at maidudulot nitong negatibong epekto naman sa kalikasan.

Inihalimbawa pa ng senadora ang lumabas na resulta ng pagsusuri ng mga eksperto sa Tagum, Davao del Norte na kung saan ay napag-alaman na ang nae-expose ang mga mag-aaral sa mercury dahil sa pagmimina ng ginto sa naturang lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply