PGH kinalampag ng Workers Union Manila

KINALAMPAG ngayon (Miyerkules, Setyembre 7) ng mga miyembro ng All Up Workers Union Manila ang pamunuan ng Philippine General Hospital dahil sa pagpapataw ng bagong singilin sa mga mahihirap na pasyente ng ospital.

Ayon kay Benjamin Santos, tagapangulo ng nasabing grupo, hindi makatwiran ang ginagawang ito ng pamunuan ng UP-PGH sa ilalim ni Director Jose Gonzales.

Sinabi ni Santos, matagal na nilang hinihiling na ipatigil na ang paniningil dahil ang UP-PGH ay ospital ng bayan at hindi ospital na may bayad na.

Dahil dito, tinawag na manhid, bulag at bingi ng grupo si administrator Gonzales dahil sa anila ay kawalang aksyon nito sa hinaing ng mga mahihirap na pasyente.

Kasabay ng kilos-protesta ay nagsagawa rin ang mga ito ng signature campaign upang muling gawing libre ang pagpapagamot sa nasabing ospital.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply