PH Embassy sa Libya nilusob ng mga rebelde

NAPASOK na ang tanggapan ng Philippine Embassy sa Tripoli, Libya makaraang magkagirian ang mga rebeldeng kabataan at Kibyan officer na nakatalaga sa checkpoints

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Rafael Seguis, tinangka rin umano ng mga rebelde na may hawak na mahahabang kalibre ng baril na kunin ang sasakyan ng embahada ngunit napakiusapan naman daw ang mga kabataan kaya’t naibalik din ang sasakyan.

Samantala, kinumpirma naman ng DFA na pinauuwi na ng Pilipinas si Philippine Ambassador to Libya Alejandrino Vicente sa harap ng patuloy na tensyon doon sa pagitan ng Gadhafi forces at mga rebelde.

Sinabi ngayong umaga ni DFA Usec. Rafael Seguis, pinauuwi si Vicente hindi dahil sa mahinang performance kundi dahil sa panibagong gobyerno doon.

Ayaw umanong kilalanin ng bagong gobyerno sa Libya ang mga lumang opisyal sa panahon ni Moammar Gadhafi.

Sinabi pa ni Seguis na may pansamantala caretaker sa Philippine embassy sa Libya hanggang sa mapalitan ng bagong ambassador.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, inaasahan na aalis ng bansa ang 10-member Rapid Response Team (RRT) ngayon Setyembre 6, upang Tumulong  ang mga ito sa preparasyon para sa gagawing paglikas ng mga Filipino workers mula sa naturang rehiyon.

Ang team ay kinabibilangan ng mga opisyal mula sa DFA, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of National Defense (DND) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang alert level 3 o voluntary repatriation sa buong Syria, dahil na rin sa nagpapatuloy na political tension doon.
.
Naglaan na rin ang gobyerno ng inisyal na budget na $550,000 (P23 million) para pondohan ang pagpapauwi sa mga kababayan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply