PH kabilang sa mga bansang may mga batang mandirigma

INIHANAY ng isang United Nation Human Rights expert ang Pilipinas sa  listahan ng mga gobyerno o armadong grupong nangangalap o pumupuksa ng mga batang mandirigma na ginagamit sa armadong hidwaan.

Ayon sa UN report kasama ang Pilipinas sa 16 na bansang gumagamit ng mga child combatant para sa kanilang armadong pakikibaka.

Base sa  report na hinanda ni UN Special Representative for children and armed conflict Radhika Coomaraswamy, may 61 grupo o gobyerno mismo sa loob ng 16 na bansa ang nangangalap ng mga child warrior.

Sa Pilipinas ay kasama sa mga grupo na nangangalap umano ng mga child combatant ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Nabatid na mino-monitor din ng nasabing human rights group ang hanay ng komunistang New People’s Army (NPA) na gumagamit ng mga bata sa kanilang isinusulong na armadong pakikibaka bilang mga courier, tagabitbit ng baril at bala at maging mandirigma sa aktuwal na sagupaan.

Kamkailan ay nakipag-ugnayan si Coomaraswamy sa MILF leadership upang hilingin na iwasan na ang pangangalap ng mga child warrior at paggamit ng mga bata sa armadong digmaan

Nabatid na kasama ng Pilipinas sa talaan ang na talamak na gumagamit ng mga bata sa kanilang armed insurgency mga al-Shabab militia sa Somalia at maging Afghan National Police.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply