Philippine-China five years development program

AABOT sa $60 bilyon ang halaga ng magiging taunang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina at hindi bababa sa US$1.5B na cumulative two-way direct investments sa 2016 ang nilagdaan ng dalawang bansa sa Five Years Development Program for Trade and Economic Cooperation noong Miyerkules sa China World Hotel, ayon kay Executive Sec. Paquito Ochoa.

Ayon kay Ochoa, mismong sa harap nina Pangulong Noynoy Aquino at China Pres. Hu Jintao nilagdaan ni DFA Sec. Albert del Rosario, ng National Economic Development Authority at ng isang kinatawan ng Trade Ministry ng China ang kasunduan.

Dagdag ni Ochoa, nilalayon ng Philippine-China Five Years Development Program na isulong ang mabilis, matatag at maayos na pag-unlad ng kalakalan at pagtutulungang pangkabuhayan sa pagitan ng dalawang bansa, palawakin ang saklaw at pag-ibayuhin  pang lalo ang pagtutulungan, abutin ang pagkakaroon ng balanseng kalakalan na parehong kapaki-pakinabang sa dalawang panig at maging daan para sa pagkakaroon ng kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan sa kani-kanilang bansa.

Sinabi pa ng Executive Secretary na kasama rin sa mga layunin ng programa ang pagpapalawak at lalong pagpapatatag ng ug-nayan sa ekonomiya at kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, isulong ang pantay na pangkalahatang pag-unlad sa pagitan ng dalawang bansa at ilatag ang matibay na pundasyon para sa pagkakaroon ng istratehikong tambalan na naghahangad ng kapayapaan at pag-unlad.

Tinukoy rin ng dalawang gobyerno ang siyam na mahahalagang larangan na sakop ng pagtutulungan sa susunod na limang taon.

Ito ang pagsasaka, pangisdaan, imprastraktura at gawaing pambayan, pagmimina, enerhiya at teknolohiya sa impormasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply