Philippine universities sumadsad sa world ranking

SADSAD ang mga nangungunang unibersidad ng Pilipinas sa World University Ranking ngayong taon na isinagawa ng isang respetadong ahensya sa London.

Isinisisi ang pagbagsak na ito sa bumababang antas ng suporta mula sa pamahalaan, ayon sa mga Pinoy experts sa higher education.

Wala isa man sa mga elitistang unibersidad sa bansa ang nakaabot sa top 300 sa pinakahuling ranking para sa 2011-2012  na inilabas ng London based Quacquarelli Symonds(QS), isang kumpanya na espesyalista sa edukasyon at pag-aaral sa ibayong dagat.

Nanguna sa mga Philippine universities sa listahan ang University of the Philippines sa ranggong 332, bagsak ng 18 spots mula 314 place noong isang taon. Dumausdos din ang Ateneo de Manila University sa rank na 360, bumaba mula sa ranggo na 307 noong isang taon.

Dalawa pang unibersidad ang gumulong pababa sa listahan – ang De La Salle na bumagsak mula 451-500 bracket noong isang taon sa 551-600 bracket ngayon at ang University of Santo Tomas na hindi pumasok sa top 600 mula sa 551-600 bracket noong isang taon.

Ang ahensyang QS ay pinag-aaralan ang ratings ng mga unibersidad at paaralan sa buong mundo base sa academic performance ng mga mag-aaral at employer feedback. Nag-survey na umano ang kumpanya ng may 32,000 akademiko at 16,000 employer ngayong taon at nagsabing ito ang pinakamalawak na uri ng survey na isinagawa. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply