Phivolcs nakapagtala ng 8 volcanic quake sa Mayon

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng walong volcanic earthquakes sa Bulkang Mayon, sa Albay sa loob ng 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, mayroon din nakitang weak to moderate emissions ng puting steam na pababa ng bulkan at patungo sa hilagang silangan.

Mayroon namang naitalang dalawang volcanic earthquake ang ahensya mula sa Bulkang Taal.

Tumaas din sa 33.6 degrees celsius ang temperatura ng tubig sa main crater ng lake habang nananatili ang lebel nito sa 1.30 meters.

Ipinaalala ng Phivolcs na nakataas pa rin ang alert level 1 sa Bulkang Mayon, Taal at Bulusan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply