PHL ‘industrial peace hub’ sa Asya – DOLE chief

MULA sa pagiging “strike capital” ay tinagurian ngayon na “industrial peace hub” ng Asya ang bansang Pilipinas.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang pagkilala sa bansa ay dahilan sa mithiin at itinataguyod ng Department of Labor and Employment (DOLE) na “zero strike” o maiwasan ang pagwewelga ng mga manggagawa.

Katunayan sa 500 notice of strike na natanggap ng ahensiya mula sa iba’t-ibang panig ng bansa ay isa lamang sa mga naisagawa, dagdag ng kalihim.

Sabi ni Baldoz, ipinag-utos ni Pangulong Aquino sa lahat ng mga kasapi ng Regional Coordinating Council (RCC) na pinangungunahan ng DOLE na dapat maiwasan na ang mga pagwewelga ng mga manggagawa.

“Kailangang mapangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, ganoon din ang mga nagbibigay sa kanila ng trabaho kaya marapat lang sa isang magandang paraan idaan kung may mga problema man,” sabi ng kalihim.

Katunayan, sa Bicol ay halos mahigit 10 taon nang walang naitatalang labor strike dahil sa mga hakbangin ng ahensiya para palakasin ang ugnayan ng sektor ng paggawa at mga mamumuhunan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply