PHL ambassador sa Libya pinauuwi na

PINABABALIK na ng Pilipinas si Philippine Ambassador to Libya Alejandrino Vicente sa harap ng patuloy na kaguluhan doon.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis, ang pagpapa-uwi kay Vicente ay walang kinalaman sa performance nito kung hindi dahil sa mayroon ng bagong gobyerno roon.

Ipinaliwanag ni Seguis an hindi na kinikilala ng bagong gobyerno sa Libya ang mga dating opisyal na nanilbihan sa panahon ni Moammar Gadhafi.

Dagdag pa ni Seguis, nagtalaga na ng caretaker ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli habang naghahanap pa ng ihahalili kay Vicente.

Siniguro ng Palasyo na pangangalagaan ang kapakanan ng mga Filipino na nasa Libya sa kahit na wala pang ambassador ang Pinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply