PHL magpapadala ng bagong ambassador sa Libya

MAGPAPADALA ng bagong kinatawan ang Pilipinas sa Libya na kikilalanin ng Transitional government doon.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez, pinili ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pabalikin na sa Maynila si Ambassador Alejandro Vicente bilang pagkilala ng pamahalaan sa Transitional government.

Ipinaliwanag ni Hernandez na kinakailangang makakuha ng accreditation ang bagong diplomats mula sa gobyerno ng kanilang host country upang makapagsilbi.

Hindi muna binanggit ni Hernandez ang pangalan ng bagong kinatawan na napili ng Department of Affairs (DFA).

Bago ito, pinauwi na ng Pilipinas si Vicente sa harap ng patuloy na kaguluhan doon sa pagitan ng Ghadafi forces at mga rebelde.

Sinabi Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis, na walang kinalaman sa performance ang pagpapauwi sa bansa kay Vicente. Aniya, ito ay dahil sa panibagong gobyerno doon.

Ayaw umanong kilalanin ng bagong gobyerno sa Libya ang mga lumang opisyal sa panahon ni Moammar Ghadafi.

Sinabi pa ni Seguis, pansamantala munang may caretaker sa Philippine embassy sa Libya hanggang sa mapalitan na ito ng bagong ambassador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply