Pia hinamon si Lapid ng debate sa Wikang Filipino

HINAMON ng debate ni Senadora Pia Cayetano sa pamamagitan ng wikang Filipino si Senador Lito Lapid kaugnay sa isinusulong na Reproductive Health Bill sa Senado.

Ayon kay Sen. Cayetano handing-handa umano siyang makadebate si Lapid gamit ang wikang Filipino, matapos itong humirit na gusto nitong magsalita sa wikang Filipino.

Inamin kahapon (Setyembre 20) ni Lapid na gusto nitong magsalita sa debate ngunit natatakot siyang makaharap ang may-akda ng RH Bill na si Senadora Miriam Defensor Santiago dahil sa malalim masyado ang pag-i-Ingles nito.

Ayon kay Senador Cayetano, sponsor ng panukala, handa itong magpaliwanag sa Filipino kung ano ang magiging resulta ng pagamit ng contraceptives.

Hinamon din ni Cayetano si Lapid na makilahok sa kanilang kampanya na isulong ang panukala na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan.

Matatandaan na sinabi ni Lapid na wala pa siyang desisyon kung susuportahan o hindi ang panukala, dahil hinihintay niya ang posibleng magiging takbo ng debate sa plenaryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply