Pilipinas 4th placer sa FIBA-Asia

TULUYANANG naglaho ang pangarap ng Pilipinas na makasali sa 2012 London Olympics, matapos talunin ng South Korea para sa third place bid ng FIBA-Asia Olympic Qualifiers.

Una rito, naging maganda ang bungad ng national team kung saan hawak ng koponan ang kalamangan mula sa first hanggang third quarters.

Pero sa final quarter, nag-umpisang mangulelat ang Pilipinas, partikular sa kanilang free throws hanggang maungusan sila ng kalaban sa iskor na 70-68.

Pinangunahan naman ni Marcus Douthit ang Team Pilipinas matapos humakot ng 27 points.

Sinasabing mahalaga para sa Philippines ang laro dahil sa kabila ng pagkatalo sa Jordan, pagkakataon pa rin para sa mga Filipino na makapasok sa Olympic qualifying round kung tinalo ang South Korea.

Dahil sa malaking pagkatalo, nagkasya na lamang ang bansa sa fourth place.

Gayunman, malaking karangalan pa rin sa koponan ang nasabing performance dahil ito umano ang pinakamataas na narating ng bansa simula ng sumali sa FIBA Asia noong 1987.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply