Pinagtataksilan ba ni Maja si Matteo kaya inaway si Coco sa Star Magic Ball?

MALINAW yung pag-amin ni Maja Salvador na siya ang dahilan sa pagsusuntukan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin. Inamin din ni Maja na magkarelasyon sila ni Matteo. Na kumbaga, parang lumalabas lang na kasama sa gimik ng natapos nilang teleserye yung pagli-link sa kanila ni Coco Martin.

Pero may kahulugan yung statement ni Maja sa “The Buzz” nung Sunday na hindi na niya alam kung saan patungo ang inamin niyang relasyon. Reading in between the lines, mukhang kampi pa siya kay Coco dahil nga tila naganap ang pakikipag-break ni Maja kay Matteo because of the said incident.

Kumbaga, hindi kaya bago pa man naganap ang suntukan, o yung away nina Coco at Matteo, may hindi na magandang pinatunguhan ang inaming relasyon ni Maja Salvador? Kahit saang anggulo kasi tingnan, matinding selos ang puwedeng maging dahilan kung bakit nagka-engkuwentro ang dalawa. And if Maja and Matteo are in a relationship, sino ba’ng dapat magselos kanino?

Natural na ang may motibo ay si Matteo lang.

At kung bakit ganyan naman kadaling magdesisyong magsalita si Maja that she doesn’t know kung saan patutungo ang relasyon nila ni Matteo, dahil nga ba kumakambyo na ang kanyang puso patungo kay Coco?

Puwedeng hindi na sagutin ninuman ang mga tanong naming ito.

Anyway, umiyak si Maja sa interview sa kanila ni Boy Abunda dahil kahit kami we believe na dapat niya itong iyakan. Hindi yung artificial na pag-iyak niyang kuning-kuning dahil nili-link sila ni Direk Paul Soriano. Walang rason kasi na dapat niyang iyakan yung ganun kasimpleng bagay.

Ang nakakaiyak nga rito sa pangyayaring nag-away sina Matteo at Coco ay dahil nga puwedeng akusahang nagtataksil si Maja kaya umabot sa sukdulan ang galit ni Matteo?

Well, dapat niyang harapin ang isyung ito.

Pero teka, sino ba ang tunay na makikinabang sa sitwasyong kinahantungan ng tatlo? Si Maja lang, hindi po ba? Sa ngayon kasi, napo-promote niya ang Thelma na parang talagang maaawa na sa kanya ang publiko.

And puwede ring umusbong yung kanilang team up ni Coco dahil epektibo sila as such. Puwedeng sa darating na araw makabuo ng bagong soap ang ABS para sa kanilang dalawa.

Wait and see lang tayo riyan.

At si Matteo, ano na’ng mangyayari sa kanya, dapat ba niyang tanggapin lang ang pagkatalo niya sa sitwasyon?

Nasuntok na siya, nagdugo na ang kanyang labi, nagkamantsa na siya, nawalan pa siya ng minamahal.

Masaklap ang kanyang kapalaran di ba?

Malinaw that from the start, hindi naman talaga in love si “Thelma” kay Matteo at mas sineseryoso pa si Coco Martin na nung una biru-biruan lang.

By the way, we will not suppose na alam na ng lahat ang nangyari sa Star Magic Ball sa pagitan nina Coco at Matteo.

Mainit ngang pinag-uusapan ngayon inside showbiz ang diumano’y suntukang naganap sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Gudicelli sa nakaraang Star Magic Ball last Sa- turday (Sept. 3) held at Manila Peninsula Hotel.

Ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ang unang naglabas ng balita. Ayon sa ulat, hindi pa malaman kung ano ang ugat ng away ng dalawang actor pero nagsalita na si Maja Salvador na siya nga at wala nang iba pa.

Report had it na si Matteo raw ang nagsimula ng away at diumano’y sinakal nito si Coco. Nanlaban itong huli at sinuntok umano ang una, dahilan para magdugo ang labi nito.

Narinig din ng PEP reporter ang pag-uusap nina Coco at Mr. Johnny Manahan (Star Magic head) kung saan ay ikinukuwento ng aktor kung ano ang nangyari.

Ayon umano sa kuwento ni Coco, hinablot ni Matteo ang kanyang damit.

Nagbigay si Tess Guvi ng Star Magic management ng maikling official statement ng Star Magic regarding the matter na ganito ang nakasaad:

“What happened was just a simple misunderstanding. Both Coco and Matteo are sorry that it happened. Everything has been resolved.”

Kaya?

***

Jericho Rosales nasa Pinas na

NGAYONG nakarating na si Jericho Rosales sa bansa mula sa isang buwang pag-aaral ng Film Acting sa New York, excited na ang lahat, lalung-lalo na ang kanyang mga supporters na ipakita niya ang kanyang mga bagong natutunan sa pag-arte.

Tamang-tama, ang alam namin ay may bagong gagawing teleserye si Echo sa ABS-CBN plus kasama rin siya sa filmfest movie ng Regal Films na “Yesterday, Today and Tomorrow.”

Sa New York Film Academy (NYFA) nag-aral si Echo at nag-enjoy daw nang husto ang aktor sa one month niyang ipinasok doon. Marami siyang naging kaibigan na noong una’y hindi alam na sikat siyang aktor sa Pinas pero bandang huli ay nalaman na rin daw ng mga ito dahil may ilang nakakakilala sa kanya at nagpapa-picture.

Napakaraming experience ni Echo sa New York at nakaramdam siya ng lungkot nang umalis na siya para bumalik sa sariling bansa.

Sa last day ni Echo sa NY noong Aug. 31, Tweet ng aktor, “Woke up havin the same feeling b4 i left Manila. Kind of the same feeling everytime i leave La Union, Pagudpud, Baler and other surf spots i love. I didnt even surf or skate here. “This city has a piece of my heart. Its a beautiful last day in New York!”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply