Pinaka-astig na Kawasaki Motorcycle

CALIFORNIA, USA— Marami na ang naghayag ng kani-kanilang haka-haka tungkol sa pinakabagong modelo ng motorsiklo mula sa motorcycle manufacturer na Kawasaki. Noong mga nakaraang linggo, naglabas sa internet ang kompanya ng mga teaser o ‘patikim’ na videos ng 2012 Kawasaki ZX-14R, na sa kahit kaunti ng mga detalye’ng pinakita rito, marahil ang ZX-14R na ang maituturing na pinakamalakas na motorsiklo na ginawa ng Kawasaki.

Ang una at ikalawang video ay may temang green at black, habang ang ikatlo naman ay mistulang live traffic report sa TV kung saan ang reporter ay magugulantang sa tila isang napakabilis na ilaw na dadaan sa kalsada. Isa sa mga video ay may mga numerong nakalagay na 84 x 65mm, ito marahil ang bore at stroke ng ZX-14R, at kung tatantsahin rin, nasa 1441cc ang displacement ng makina nito. Sa huling bahagi naman ng isa sa mga video, ay may nakalagay na datos na: 10.10.2011, ang araw kung kalian masisilayan na sa wakas, ang marahil isa sa pinakamalakas at pinaka-astig na motorsiklo sa buong mundo.

Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply