Pinas panalo sa Jordan

IPINAHIYA ng Gilas Pilipinas ang Jordan makaraang talunin sa second round ng nagpapatuloy na FIBA-Asia Championship sa Wuhan, China, 74-62 kanina.

Pinangunahan ni Marcus Eugene Douthit ang opensa ng Pilipinas sa gitgitang laban sa Jordan.

Matapos na hindi nakalaro sa tatlong game dahil sa pagkuwestyon sa kanilang citizenships, kabilang na sa line-up ngayong hapon laban sa Jordan ang mga Fil-Ams na sina Chris Lutz at Marcio Lassiter.

Sunod na makakalaban ng Gilas ang Japan alas-6:00 ng hapon bukas at sa Miyerkules ay kanilang makakaharap ang Syria.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply