Pinas pasok na sa semifinals ng FIBA-Asia

MATAPOS ang 24 taon ay nakapasok ding muli sa semifinals ng FIBA-Asia ang Philippine basketball team.

Ito ay matapos inilampaso ng Pilipinas ang Chinese Taipei, sa iskor na 95-78 sa kanilang quarterfinal match-up.

Bagama’t maagang nagpakitang gilas ang Taiwanese team, ngunit dahil sa maigting na depensa ng national team ay nagawang makuha ang kalamangan na kung saan umabot pa sa 19 puntos ang abanse nito.

Nanguna sa panalo ng Pilipinas ay ang naturalized Filipino na si Marcus Douthit sa kaniyang 37 points.

Malaking tulong din sa tagumpay ng Philippine team ay ang ipinakitang performance nina Ranidel de Ocampo at Marcio Lassiter.

Umiskor si De Ocampo ng 18 points habang 13 puntos naman kay Lassiter.

Sunod na makakalaban ng Pilipinas sa semifinals ay Jordan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply