Pinas suportado ang Palestine

SINUPORTAHAN ng Philippine government ang kampanya ng Palestine na mabigyan ng pagkilala bilang isang independent state sa United Nations.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na sinusuportahan ng bansa ang “two-state formula” para sa Palestine at Israel.

Una nang tinutulan ng Amerika ang panukala.

Nilinaw ni Hernandez na higit na makabubuti ang nasabing solusyon sa “national security” at maging sa “national interest” ng Pilipinas at bukod dito ay mabibigyan din ng sariling teritoryo ang mga Palestino.

Bukas (Setyembre 23) ay magsusumite si Palestinian President Mahmoud Abbas kay UN Secretary Gen. Ban Ki-moon ng naturang membership application.

Sa ngayon ay may 15 miyembro ng United Nations Security Council ang pabor sa kampaniya ng Palestine.

Ang Palestine, ay isa sa pinakamaliit na bansa sa Middle East na nasa ilalim ng control ng Israeli government.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply