Pinas tinambakan ang Syria sa FIBA-Asia, 75-52

MATINDING depensa ang ginawa ng Philippine basketball team sa kanilang huling laban sa second round ng FIBA-Asia para maiuwi ang panalo laban sa Syria sa China.

Inilampaso ng Pilipinas ang Syria sa iskor na 75-52, kung saan pitong puntos lamang ang nagawa ng kalaban sa fourth quarter.

Dahil sa panalo ng Philippine team, hawak nila ngayon ang 4-1 win loss record sa Group F.

Naging susi sa panalo ng mga Pinoy ang naturalize Filipino na si Marcus Douthit sa kanyang 20 points performance at nagdagdag din ng tig-walong puntos sina Chris Tiu at Ranidel de Ocampo.

Gumawa naman ng 11 puntos si Abdulwahab Al Hamwi para sa Syria.

Kagabi ay tinalo ng Pinoy dribblers ang Japan at noong Lunes ay inilampaso ang Jordan.

Ang FIBA-Asia ay ang pasaporte ng Philippine basketball na makapaglaro sa 2012 London Olympics.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply