Pinay DH wagi sa ipinaglalaban sa Hong Kong

PINANIGAN ng Hong Kong Court ang petisyon ng isang Pinay Domestic Helper na si Evangeline Banao Vallejos na maka-apply siya bilang isang Hong Kong citizen.

Si Vallejos ay 25 taon ng nagtatrabaho sa naturang bansa simula pa ng taong 1986.

“My conclusion is that on the common law interpretation approach the impugned provision is inconsistent with Hong Kong’s Basic Law,” ayon kay Judge Johnson Lam.

“The mere maintenance of a link with her country of origin does not mean that a maid is not ordinarily resident in Hong Kong,” dagdag pa ni Judge Lam.

Ikinagalak naman ang daan libong mga domestic helpers ang sinasabing landmark ruling ng korte.

Nakahanda na umanong umapela ang Hong Kong government sa naging desisyon hinggil sa naturang usapin at posible pa umano itong umabot sa mainland China.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply