‘Pinoy Pandesal’ mabibili na sa Oktubre

ILULUNSAD na sa Oktubre 11 ang “Pinoy Pandesal,” ayon kay Simplicio Umali Jr., presidente ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking).

Ang nasabing pandesal ay proyekto ng PhilBaking, Filipino-Chinese Bakeries Association Incorporated at Federation of Bakers.

Simula sa nasabing petsa ay mabibili na sa supermarket, grocery stores at convenient stores ang Pinoy Pandesal sa halagang P25 kada pack na may 10 piraso o P2.50 kada piraso.

Matatandaan na unang inilunsad ang Pinoy Tasty na mas mura kaysa sa mga branded na loaf bread.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply