Pinoy sulit sa malasakit ng gobyernong Aquino

SULYAPAN natin ang mga pinahahalagahan ng pamahalaang Aquino.

Trabaho – Sobra-sobra ang sakripisyo ni Pang. Noynoy Aquino para matiyak lang niya na matagumpay ang ginagawa ng kanyang mga Gabinete sa paglikha ng trabaho para sa mga benepisyaryo ng programang Conditional Cash Transfer o Pantawid Pamilyang Pilipino Programa (4Ps). Upang magkaroon ng mga bagong trabaho ay lumagda ang Public Works sa isang memorandum of agreement  sa  DSWD para simulan ang programa hinggil sa pagmamantina ng gilid ng kalsada.

“Trabahong Lansangan ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino.”

Silid-Aralan – Nasolusyunan ng gobyernong ito ang lahat ng mga kakulangan sa mga silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.

Mas tinututukan ng DepEd ang kakapusan sa kwarto ng Ilocos Norte na kung saan ay naresolbahan na ito. Nilagdaan na nina DepEd Sec. Armin Luistro at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa isang counterparting agreement sa paggawa ng 44 silid-aralan.

Kalusugan – Isa sa pinaigting ni PNoy ang pagmamalasakit niya sa kalusugan ng Filipino sa pamamagitan ng paglulunsad ng PhilHealth sa Public-Private Partnership (PPP) schemes.

Kuryente – Nagpalabas din ng P1.62B para matulungan ang National Power Corporation (NPC) na mapigilan ang napipintong kakapusan ng kuryente sa ilang malalayong mga lugar.

Langis – Suportado rin  ng gobyerno ang BOC na nagsampa ng demanda laban sa Jetti Petroleum Incorporated dahil sa tiwaling gawaing pandaraya nito sa taripa.  Halos P4.1B ang nawalang obligasyon nito sa gobyerno. Bukod sa mga opisyal ng Jetti ay idinemanda rin ang ilang kawani at indibiduwal sa Customs na sangkot sa transaksyon ng kompanya sa importasyon ng diesel at unleaded fuel.

Anoman ang reklamo o puna, mag-text lang sa 09189274764,  09266719-269 o mag-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply