Pinoy timbog sa droga sa HK airport

NADAGDAG na naman sa talaan ng mga drug courier ang isang Pinoy na naaresto kaugnay sa pag-iingat ng droga sa Hong Kong.

Ang pagkakadakip sa suspek na Pinoy ay kinumpirma ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong halos nasa 26 kilong heroin ang nakumpiska ng mga awtoridad sa hindi pa pinangalanang Pinoy sa Hong Kong International Airport.

Isa umanong driver ang suspek na inatasan ng mga drug syndicate na magbiyahe sa China ng iligal na droga.

Nabatid na sa ngayon ay umabot na sa 71 Pinoy ang nahaharap sa death sentence sa China bunsod ng tangkang pagpuslit ng iligal na droga.

Magugunita na  binitay  sa China ang tatlong Pinoy na hinatulan sa kasong drug trafficking na sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain.

Sina Ordinario-Villanueva, Credo at Batain ay magkakahiwalay na inaresto sa China noong 2008 dahil sa pagbibitbit ng ilegal na droga. Kinasuhan at sinentensyahan sila noong taong 2009.

Sa ilalim ng batas sa China, ang pagpupuslit ng higit sa 50 gramo ng heroin o iba pang iligal na gamot ay may parusang bitay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply