Pinoy tiniyak ng Dole na magkakatrabaho sa bansa

TINIYAK ng Department of Labor and Enployment (Dole) na may trabaho para sa mga Filipino worker na mas piniling manatili sa bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz ngayon (Martes, September 6), maaari isa sa maaari nilang maging trbaho sa bansa ay ang pagiging isang machinist sa local manufacturing sector.

Ang ipagkakaloob ng trabaho para sa mga Filipino ay matapos palakasin ng kagawaran ang kanilang kampanya na makapagbigay ng relevant labor market information na makatutulong sa mga naghahanap ng trabaho na iakma ang kanilang career plans sa mga kailangang manggagawa.

Anang kalihim, may entry level na suweldo ang isang machinist mula sa halagang P15,000 hanggang P20,000 kada buwan at maaari pa aniyang umabot P30,000 alinsunod sa nagging karanasa at pagsasanay ng isang trabahador.

Maari din umanong kumuha ng machinist course sa Tesda na nagtakda lamang ng 160 na oras para mapagkalooban ng certificate ang isang trainee.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply