Pinoys mas tiwala kay Binay kaysa kay PNoy

NANANATILI pa ring mas katiwa-tiwala si Vice President Jejomar Binay sa lahat ng national officials sa bansa.

Sa huling survey ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 85% approval rating, lamang ng 10% kumpara sa nakuhang 75% ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Nakakuha rin ng 86-percent trust rating si Binay kumpara sa 75-percent na nakuha ni Pangulong Aquino base sa isinagawang sarbey nitong Agosto 20 hanggang Setyembre 2.

Sa naunang sarbey ng Pulse Asia noong Mayo 21 at Hunyo 4, nakakuha si Binay ng approval rating na 83% at 81% trust rating higit na mas mataas sa 71% na approval and trust rating ni Pangulong Aquino.

Nauna ng inanunsyo ni Binay na nais niyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections matapos bunuin ang termino bilang bise presidente ng bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply