Pirates buhay ang pag-asa sa F4

DESIDIDONG makapasok ang guest team Lyceum of the Philippines Pirates sa Final Four kaya naman isang come-from-behind 77-73 panalo ang nilista nila kontra Emilio Aguinaldo College Generals sa 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena San Juan kahapon, Setyembre 19.

May napiratang 6-9 win-loss record ang LPU kung saan ay kapareho nila ang Jose Rizal University Heavy Bombers na nagwagi sa second game laban sa St. Benilde Blazers, 78-63.

Angat na lamang ng kalahating laro ang Mapua Cardinals na nasa solo fourt spot na may 6-8 record kung saan ay sigurado ng pasok ang F4 ang San Sebastian College Stags na may malinis na 15 wis, Leyran Knights, (11-2 panalo-talo karta) at defending champion San Beda College Red Lions, (10-2 card).

Rumatrat si Rich Guevarra ng 21 points upang tulungang bumangon ang Pirates mula sa pagkakadapa sa huling laro laban sa Arellano U Chiefs.

Si Mark Francisco na humalili sa puwestong iniwan ni Allan Santos ay nagtala ng double-double, 19 markers, 18 rebounds at tatlong blocks habang sina Chris Cayabyab at Shane Ko ay may 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod para sa Lyceum.

Samantala, dahil mataas ang kumpiyansa napahaba ng Bombers ang kanilang winning run sa tatlo nang kawawain ang kulang sa tauhang St. Benilde Blazers.

Nagpasabog din ng double-double si Jeckster Apinan sa kanyang 17 points at 10 rebounds kasama pa ang tatlong steals at isang assist para sa JRU, na may 14 markers galing kay Raycon Kabigting, 11 kay Nate Matute at 10 markers at siyam na boards kay John Lopez.

Damang-dama ng Blazers ang pagkawala sa kanilang kampong top scorer na si Carlo Lastimosa dahil nalasap nila ang pang-siyam na beses na talo sa 14 na salang.

May 4-10 marka ang Generals.

Sa juniors, umakyat sa 11-3 record ang CSB-La Salle Greenhills Junior Blazers nang dominahin ang Jose Rizal U Light Bombers, 85-51; habang kinopo ng EAC Brigadiers ang 10-4 marka sa pananambak sa winless pa ring Junior Pirates, 116-37.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply