Piston binara ng Pasang Masda

BINARA ng transport group na Pasang Masda ang pagpupumilit ng samahang Piston sa paglulunsad ng malawakang tigil pasada

Iginiit ngayon ni Pasang Masda President Obet Martin na walang dahilan upang magsagawa pa ng isang malawakang Tigil Pasada dahil naging matagumpay ang pakikipagdayalogo ng mga transport groups kay Pangulong Benigno Aquino III.

Nilinaw ni Martin na natugunan naman ng gobyerno ang kanilang mga hinaing sa pakikipagpulong nila kay Aquino.

Pinasalamatan din ni Martin ang oras na inilaan para sa kanila ng Pangulo.

Dahil dito, sinabi ni Martin na hindi kasama ang kanilang grupo maging ang ACTO, FEJODAP at LTPO sa ipinagpipilitan transport strike ng grupong PISTON.

Una nang nagbabala ang Malakanyang sa Piston sa ikakasang malawakang Tigil Pasada ng grupo sa darating na Setyembre 19, araw ng Lunes.

Giniit ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na hindi mangingimi ang pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang sa oras na ituloy ng Piston ang kanilang transport strike.

Binigyang diin ni Lacierda na seryoso ang pamahalaan at nais nilang maging responsible ang mga transport group sa kanilang magiging mga hakbang kayat tiyak aniyang mapaparusahan ang sinumang mga lalabag sa nakasaad sa kanilang mga prangkisa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply