Piston muling ikinasa ang malawakang kilos protesta

MULING ikinakasa ng transport sector ang malawakang kilos protesta at tigil pasada bilang sagot sa hindi mapigilang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) secretary general George San Mateo, umaasa silang maiintindihan ng publiko ang kanilang gagawin kilos protesta dahil sobra nang pahirap sa mga tsuper at taumbayan ang sunud-sunod na oil price hike.

Tinawag pa ni San Mateo na panloloko sa publiko ang ginagawa ng mga oil companies sa bansa.

Mahigit sa isang dosenang lugar sa buong Kamaynilaan ang kakalampagin ng protesta upang ipinawagan sa gubyernong ang isang malaking bagsak ng rolbak sa presyo ng produktong petrolyo, pagsasabatas ng dagdag na sahod at pagtatanggal ng VAT sa langis at kuryente.

Ayon kay San Mateo, saa bawat segundo, minuto at oras na hindi ibinababa ang presyo ng mga produktong petrolyo lalo na sa diesel at LPG ay kumikita ng limpak-limpak na tubo ang kartel ng langis at gobyernong Aquino sa pamamagitan ng buwis. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply