Plakang 8 hindi exempted sa inspection

KAHIT 8 ang plaka ng sasakyan ng mga kongresista na maituturing na privilege plate ay hindi exempted sa inspeksyon sa pagpasok ng mga pampublikong establisimiyento.

Ito ang  naging  reaksyon ni Majority Leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II sa pagkakasangkot ng isang miyembro ng Kamara na inireklamo ng pananapak matapos inspeksyunin ang sasakyan na may plakang otso (8).

Ipinunto rin ni Gonzales sa kanyang mensahe kay Lanao del Sur Representative Mohammed Hussein Pangandaman, ang pangangailangang maging responsable sa anumang sitwasyon ng komprontasyon sa isang security guard sa UP-Ayala Technohub sa Quezon City noong nakaraang  linggo.

“Ang akin lang, kung sino ang nakatataas dapat mas malawak ang pang-unawa. Mas may responsibilidad ka, so I think it is incumbent upon us public officials to be more understanding,” ani Gonzales sa  ginanap na news conference sa  Kamara kahapon.

Ayon sa report, naganap ang komprontasyon habang minamaneho ng kongresista ang kanyang Porsche Carrera na may  Plate Number 8 sa  harap at  sa likod matapos na tangkaing inspeksyunin ng security guard.

Reklamo ng security guard na sinuntok ito ni Pangandaman na itinanggi naman ng solon at sinabing siya pa ang hinaras nang tangkain nitong bunutin ang kanyang service  firearms.

Sinabi ni Gonzales na bawat kongresista ay iniisyuhan ng dalawang plaka na numero 8 na ilalagay sa harap at likod ng kanilang  service  vehicle.

Idinagdag pa ng  majority leader  na  kahit ito ay  privilege plate ay  hindi nangangahulugan na ang  sasakya na mayroon nito ay  hindi na kabilang  sa  iinspeksyunin  sa sandaling papasok sa  pampublikong  establisimiyento.

Ayon kay Gonzales, sa sandaling  may isampang  kaso laban kay  Pangandaman  ay  kanila itong  isasalang  sa   House  Committee on Ethics.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply