Planking

NAUUSO at mabilis na kumakalat ngayon ang planking o ang pagdapa sa sahig o sa isang bagay sa pampublikong lugar na ang mga kamay ay nasa tagiliran at ang mga paa ay magkadikit, ang mga daliri ay naka-point.

Hindi maituturing na planking ang pagdapa kung hindi ito kukunan ng litrato at kung hindi ipo-post sa internet o social networking site.

Ito ay mayroon ring kumpetisyon na kung saan ang mga kalahok o “plankers” ay naghahanap ng pinaka-wow na pwesto o lugar na pagpa-planking-an.

Nagkalat na ang mga litrato nito sa internet kung saan kanya-kanya ng pakulo o lugar ng pagpa-planking-an gaya sa ibabaw ng bubong, sa ibabaw ng kotse, sa gitna ng kalsada, sa sanga ng puno at mayroon pa nga sa ibabaw ng nitso at inidoro.

Sa Pilipinas ang planking ay ginagawa rin ng mga nagpo-protesta sa gobyerno. Sa katunayan, nag-planking ang ilang miyembro ng transport groups sa isinagawa nilang tigil-pasada upang kondenahin ang nakaambang pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT at ang nakatakdang pagpapataw ng VAT sa toll fees sa Oktubre.

Nag-planking rin ang mga estudyante sa kanilang kilos-protesta kanina upang tutulan ang gagawing pagtapyas sa budget ng state universities and colleges (SUCs) para sa 2012.

Naging kontrobersyal ang planking dahil sa kung paano ito gamitin ng tao at kung saan ito ginawa.

Saan nga ba nag-ugat ang planking?

Ayon sa Wikipedia ang planking ay sinasabing nagsimula noong 1994.

May ring nagsasabi na isang Gary Clarkson at isang Christian Langdon ang mga nagpasimuno ng planking noong 2000 at unang sumikat sa North East England. Ito ay mabilis na kumalat sa buong mundo at tinagurian ding “playing dead.”

Variations ng planking

1. Teapotting -Dito ay ikokorte ang mga kamay sa hugis ng teapot. Ito ay pinauso ng mga guro ng Mortlake College matapos na sumikat ang planking at hinango sa children’s song na “I’m A Little Teapot.”
2. Owling – Sa owling ay mag-i-squat na parang isang kuwago (owl).
3. Batmanning -Iha-hung ang sarili up-side down, na parang isang paniki.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply