‘Planking’, ‘tsunami walks’ inilaban sa education fund cuts

ANG “planking” at “tsunami walks” ang ginamit ng mga estudyante sa kanilang patuloy na protesta laban sa mababang pondo sa edukasyon, na nilahukan ng mahigit 3,000 mga kabataan.

Gamit ang sumisikat na paraan ng paglalakad sa entablado ni Miss Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup, nagmartsa ang mga kabataan mula University of the Philippines sa Diliman, Quezon City hanggang Mendiola, Maynila.

Mula sa iba’t ibang state universities at colleges (SUCs) sa Metro Manila, nagtipon-tipon ang mga estudyante sa Mendiola, para ipanawagan kay Pangulong Benigno Aquino III na bigyang pansin ang kanilang kahilingan na taasan ang pondo sa sektor ng edukasyon.

Kabilang sa mga nakiisa sa week-long protest ay ang University of the Philippines-Diliman; UP Manila; Polytechnic University of the Philippines (PUP); Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at Philippine Normal University (PNU).

Ngayong araw din, nagsagawa ng simultaneous walkouts at mass planking ang ilang kabataan sa 11 SUCs sa Central Luzon.

Nagdulot naman ng matinding trapiko ang paghiga ng mga nagpo-protestang kabataan sa daan.

Mula sa P45-billion na pondong hinihingi ng may 110 state universities at colleges para sa susunod na taon, binabaan ito ng Malakanyang sa P21.8 billion.

Ang nasabing pondo ay mas mababa pa sa P22.03 billion budget ngayong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply