Plunder case vs Mike A. kinatigan ni Trillanes

SUPORTADO ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang isinampang plunder case ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo at mga retirado at aktibong opisyales ng kapulisan.

Ito ay sa gitna ng pagtuligsa ng ilang administration senators sa umano’y dali-daling pagsampa ng kaso laban sa dating unang ginoo kaugnay ng tinatawag na “helicopter deal.”

“CIDG, through Director (Chief/Supt. Samuel) Pagdilao, did the right thing in filing a plunder case against Mike Arroyo and other police officials involved in the anomalous sale of two pre-owned helicopters in 2009,” ani Trillanes.

Idinagdag pa ni Trillanes na nauunawaan niya ang sentimyento ng ilang senador hinggil sa kasong plunder laban kay Arroyo at iba pa. Ngunit batid nito na sa kahuli-hulihan ang Ombudsman ang siyang magsasabi kung ano ang nararapat na kaso ang isasampa sa Sandiganbayan laban sa mga taong sangkot sa nasabing maanomalyang transaksyon.

“I understand the skepticism of my colleagues. They may have been traumatized by the white-washing tendencies of the past administration. However, we must give the new leadership of PNP the benefit of the doubt in their renewed efforts to curb corruption among their ranks,” pahayag ni Trillanes.

“We must remember that the PNP now is under the leadership of PNoy and I maintain full confidence in his sincerity to curb corruption,” idinagdag pa ng senador. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply