PMPC Star For A Cause

MAGSASAMA-SAMA ang mga natatanging bituin para sa isang makabuluhang pagtatanghal ng Philippine Movie Press Club (PMPC), sa pinamagatang ‘Stars For A Cause,’ sa ika-18 ng September, 1:00 to 6:00 pm, sa Event Center, 3rd Floor ng SM City, North Edsa.

Magbibigay-kasiyahan ang mga sikat na personalidad tulad nina Sam Milby, Jolina Magdangal, Wendel Ramos, Snooky Serna, Rayver Cruz, Marie Digby, Gerald Santos, Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz, Sabrina, Derrick Monasterio, Jan Miguel, Faith Cuneta, Wonder Gays, Lucky Mercado, Kristoffer Martin, Hiro Magalona, Kim Komatsu, Teejay Marquez, Gabby Garcia, Benjamin de Guzman, DJ Joph, Kuya Germs, Jake Vargas, Rhen Escano, Lance Raymundo, Sofia Halabi, Nvoyz, John Mc Earl, Mark Aain, and more, more suprise celebrity guests.

***

Lovi Poe enjoy na enjoy sa haba ng elepante

GANDANG-GANDA ang sexy young Kapuso actress na si Lovi Poe sa kinalabasan ng kanyang first time sexy pictorial para sa men’s magazine na FHM kung saan si Lovi nga ang featured/cover girl ng naturang magasin para sa buwan ng September.

Marami ang nagsasabing iba talaga ang kaseksihan ni Lovi dahilan sa first time para sa naturang magasin na mag-shoot sa labas ng Pilipinas. Ang sexy pictorial kasi ni Lovi kasama ang elepante ay sa Thailand kinunan. At sa naturang pictorial ay kitang-kita na at home si Lovi na magpose kasama ang elepante lalo na sa trunk ng hayop.

Natutuwang sinabi ng young actress na mabait daw kasi yung elepanteng kasama niya sa pictorials at feeling niya ay pet na niya ang dambuhalang hayop. May instance pa nga raw nang sumakay si Lovi sa trunk ng elepante ay parang nairita ito at pilit itinutulak palayo ang dalaga. Masaya pa rin na abi ni Lovi na matagal raw plinano ang kanyang sexy pictorials to the point na inabot nga raw ito ng one year bago tuluyang mag-push through.

Ano naman kaya ang dahilan at napapayag si Lovi na magpa-sexy pictorials na mismong ang FHM nga ay kanyang tinanggihan dahil carry lang daw niyang magpa-sexy sa billboard at hindi sa men’s magazine? Time to evolve na raw para kay Lovi at nagiging a little bit edgy na rin naman siya pagdating sa mga projects. Kung may pagbabago man sa kanyang showbiz career pagdating naman daw sa kanyang personal na pagkatao ay siya pa rin daw ang Lovi Poe noon.

***

MARAMI ang naghinala noon na buntis na si Mariel Rodriguez lalo na’t minsan ay naispatan itong nagpa-check up sa isang doctor. Pero sa isang panayam ay madiing sinabi nina Robin Padilla at Mariel na wala pa sa plano nilang mag-asawa hanggang sa ngayon na magkaroon ng baby. Mas naka-focus kasi sila ngayon sa kanilang showbiz career. Si Binoe ay abalang-abala sa taping ng matatapos na niyang show sa ABS CBN 2, ang “Guns and Roses” katambal si Bea Alonzo at isang pelikulang siya mismo ang producer at malamang makasama ang rumored boypren ng kanyang anak si Kylie Padilla na si Aljur Abrenica – and Mr. Wong.

Samantala, si Mariel Rodriguez naman ay abala sa kanyang noontime show na “Happy, Yipee, Yehey” at balitang malamang na lumipat na ngayon sa Kapatid Station TV5 at maging parte ng show ni Willie Revillame, ang Wiltime Bigtime. Ayon pa rin kay Robin, hindi naman daw siya nagmamadali na magkaroon pa ng anak muli. May limang anak na kasi si Robin sa dating mga asawa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply