PNoy binatikos ng Bayan Muna sa FOI bill

BINATIKOS ngayon ng Bayan Muna si Pangulong Benigno “Pnoy” Aquino III dahil sa pagmamalaki nito sa Estados Unidos na itinataguyod ng kanyang gobyerno ang “transparency” subalit hindi man lamang binanggit ang tungkol sa pagpapasa ng “Freedom of Information” bill.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, ang totoo ay inaalikabok na sa Kongreso ang FOI bill na hindi man lamang matalakay dahil sa kawalan ng pagtutulak dito ng Malakanyang.

“It is also ironic that President Aquino relished being part of the Steering Committee and said he is committed to promoting transparency, fostering accountability and combating corruption when he did not even mention the FOI bill in his speech or its status in the Philippine Congress,” ani Casiño

Giit pa ni Casiño na kabaligtaran sa ipinangangalandakan ni Pangulong Aquino sa Estados Unidos ang kahandaan niyang labanan ang katiwalian gayong siya man ay nagsasawalang-kibo sa FOI bill na nagtataguyod ng transparency sa gobyerno.

“It is quite sad that the President is saying one thing but doing another. He is not showing the whole picture. He’s credibility will suffer if the FOI bill is not enacted within the year.” mariing pahayag ni Casiño.

Pinayuhan rin ni Casiño ang Pangulo na iprayoridad ang FOI bill at panahon na aniya na tuparin nito ang pangako nang pagkakaroon ng transparency sa gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply