PNoy dumating na sa bansa, $1.4B investments ibinida

AGAD ibinida gabi ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pag-uwi sa bansa kaninang ala-7 ang $1.4 billion na halaga ng bagong investments mula sa apat na araw na state visit sa Japan.

Eksaktong alas-7 kanina nang dumating ang Pangulo sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 sa Pasay City.

Sa kanyang arrival statement, sinabi ng Pangulo na kabilang sa mga investment ay galing sa sector ng enerhiya, manufacturing at serbisyo.

Ayon sa Pangulo, tagumpay niyang naipakilala ang bagong Pilipinas at hindi na katulad dati na nalugmok sa katiwalian.

Walang duda umanong tagumpay ang kanyang biyahe sa Japan kung saan 36 meeting ang kanyang dinaluhan at hindi rin nakaligtaang makausap ang mga kababayang nagtatrabaho doon.

Iginiit din ng Pangulo na sa gitna ng kanyang abalang schedule sa Japan, hindi nito nakaligtaang tumutok sa kalagayan ng bansa sa pananalasa ng bagyong Pedring.

Natutuwa naman ang Pangulo dahil muling naipamalas ang disiplina, kahandaan at pagtutulungan ng mga Pilipino kaya naibsan ang pinsalang dulot ng bagyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply