PNoy exempted sa quarantine

EXEMPTED sa quarantine si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino at ang delegasyon nito kapag bumalik na sa bansa mula sa limang araw na state visit sa China.

Ayon kay Department of Health (DOH) spokesman Dr. Eric Tayag, walang dahilan para isailalim ang Pangulo sa quarantine procedures dahil kahit magkaroon pa ito ng flu virus ay hindi naman ito makakahawa sa kapwa tao dahil wala pang naitatalang human-to-human transmission ang
bagong flu strain.

Hindi rin naman aniya nagtungo ang Pangulo sa alinmang poultry farm ng China kaya imposibleng magkaroon ito ng bird flu virus.

Pinag-iingat naman ngayon ang Department of Health ang publiko sa banta ng mas mabagsik na bird flu virus sa bansa.

Ayon sa DOH Progam Manager Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases, pinangangambahan ang pagpasok ng mga smuggled live stock mula sa ibang bansa na posibleng kontaminado ng bird flu virus maliban pa aniya sa mga migratory birds na karaniwang naglalabasan tuwing panahon ng taglamig.

Binigyang diin ni Lee Suy na higit na mas mabagsik at nakamamatay ang bagong strain ng flu virus kumpara aniya sa H1N1.

Dagdag pa ni Lee Suy, sa 10 taong nagkakasakit nito ay anim sa mga ito aniya ang posibleng mamatay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply