PNoy ipinagmalaki ang mga kumpanya na may interes sa bansa

IPINAGMALAKI ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang mga kumpanyang may interes na mamuhunan sa bansa.

Nakabalik na sa bansa ang Pangulo mula sa kanyang working visit sa Estados Unidos.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kaninang alas-2:45 ng umaga ang Philippine Airlines Flight PR 105 sakay ang Pangulo at ang delegasyon nito na kinabibilangan nina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo at Finance Secretary Cesar Purisma.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang arrival speech na labis niyang ikinagalak ang pagkakabilang ng Pilipinas sa Open Government Partnership.

Una nang ipinagmalaki ni Pangulong Aquino ang mga kumpanya mula sa US na nagnanais na maglagak ng investment sa bansa. Ayon sa pangulo, maaari nang sabihin na ang mga ito pa ang pumipila upang ipahiwatig ang interes na mamuhunan sa bansa.

Mayroon aniyang dalawang kumpanya na nais mamuhunan sa coconut industry ng bansa at may ilang kumpanya din tulad ng IBM na nais mapalawak ang kanilang operasyon.

Bukod sa mga kumpanya sa Amerika, nagpahayag na rin aniya ng interes na maglakag ng puhunan sa bansa ang mga malalaking kumpanya na kasama sa US-ASEAN Business Council. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply