PNoy masaya para sa ex-GF na si Shalani

NGITI ang sagot ni Pangulong Benigno Aquino III nang ipaalam sa kanya na engage na ang kanyang dating kasintahan na si TV host at Valenzuela Councilor Shalani Soledad kay Pasig Rep. Roman Romulo.

“Nakangiti naman siya,” ayon kay presidential spokesperson Atty. Edwin Lacierda.

Matapos aniya ang isang ngiti ay biglang nagsalita si Pangulong Aquino ng ‘I was not aware. Basta ang sinabi niya, I was not aware that they were engaged.”

At sa tanong na kung masaya ba ang Pangulong Aquino kina Shalani at Rep. Romulo ay sinabi ni Sec. Lacierda na walang dahilan para hindi maging masaya ang Chief Executive sa dalawa.

Sa ulat, personal na kinumpirma ni Romulo, anak ni dating Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo na binigyan niya ng engagement ring si Shalani at tinanong na niya kung maaari ba siyang pakasalan.

Ang kasal ng dalawa ay sinasabing magaganap sa susunod na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply