PNoy pinakakasuhan ang mga dawit sa poll fraud

PINAKAKASUHAN na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Department of Justice (DOJ) ang mga sangkot sa naganap na daayan noong 2004 at 2007 elections.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, lumutang na ang dalawang panibagong witnesses na sina Atty. Lilian Radam at Atty. Yogie Martirizar na parehong election supevisor sa kani-kanilang lugar na magpapatunay sa naganap na poll fraud.

Sinabi ni Pangulong Aquino na mawawalan ng saysay ang imbestigasyon ng DOJ-Comelec kung walang makakasuhan.

Inihayag pa ni De Lima na may bagong mga rebelasyon ang mga witness, kaya posibleng mailagay sa watch list si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos.

Ayon sa dalawang witness, si Abalos ang personal na nagbigay ng direktiba na galing sa Malakanyang na gawing 12-0 ang panalo ng mga administration candidates ng Team Unity sa senatorial race sa kanilang mga lalawigan.

Sa kabilang dako, kinuwestyon naman ni Abalos ang naging pahayag nina Radam at Martirizar na nagsangkot sa kanya sa nasabing dayaan noong eleksyon. Sinabi ni Abalos na matagal nang pinaghahanap ang dalawa dahil sa paglabag ng mga ito sa batas, kabilang na ang 12 kaso ng election sabotage.

Binigyang-diin ni Abalos na hindi naman tamang mabalewala lamang ang kaso laban sa dalawa dahil sa itinuro lamang siya ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply