PNoy tablado kay Recto sa MRT-LRT fare hike

IBINASURA ni Sen. Ralph Recto ang katuwiran ni Pangulong Benigno Aquino III hinggil sa pagataas ng singil sa pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) dahil matagal nang nagbibigay ng subsidyo ang ating kababayan sa lalawigan.

Sinabi ni Recto na baliktad ang katuwiran ni Pangulong Aquino na idinikta ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas na tanging ang mamamayan sa Metro Manila sa subsidyo na ibinigay ng pamahalaan sa pasahe sa naturang sistema.

Sinabi ni Recto na baliktad ang katuwiran ni Pangulong Aquino sa subsidyo dahil karamihan sa buwis na nakokolekta ng pamahalaan ay nanggagaling sa mamamayan at industriya sa Metro Manila na ginagamit naman sa mahihirap na lalawigan.

Aniya, dapat lamang maibalik ng pamahalaan ang buwis na ibinabayad ng residente ng Metro Manila sa pamamagitan ng subsidyo sa pasahe na umaabot sa P6 hanggang P8 bilyon kada taon.

Tinukoy pa ni Recto na manggagaling sa buwis ng mamamayan sa Luzon partikkular sa National Capital Region ang malaking bahagi ng kikitain sa buwis upang tugunan ang P1.45 trillyon para sa 20-12 budget.

Ayon kay Recto, umabot sa P281.8 bilyon ang kontribusyon ng lungsod sa Metro Manila, ang Quezon, Makati, Maynila at Caloocan, sa P337 bilyon na nakolekta ng 19 revenue region ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Naniniwala pa si Recto na kapag itinaas ang singil sa pasahe, mas maraming pasahero ang hindi sasakay sa MRT at LRT, sasakay ng bus o jeep na siyang magpapasikip sa daloy ng trapiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply