PNoy tinawag na tamad at incompetent

TINUKOY ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na walang kakayahang mamuno si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa bansa.

Bukod dito,sinabi rin ng Arsobispo  na tamad  si Aquino kumapara kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sinabi ni Archbishop Cruz na si Arroyo ay masyadong masipag habang si Aquino naman ay may katamaran pagdating sa mga gawain at pakikipagpulong sa kanyang mga gabinite.

Ayon pa kay Cruz, very competent si Arroyo kumpara kay Aquino na walang kakayahan para pamunuan ang bansa.

Nilinaw ni Cruz na ang tanging lamang ni Aquino kay Arroyo ay ang integrity dahil na rin sa iba’t-ibang isyu ng katiwalian ng nagdaang administrasyon na inuusig ngayon ng kasalukuyang administrasyon.

“Mayroong pagkakaiba ang dalawang lider. Iyong nakaraan ay masyadong masipag. Iyon namang ngayon ay may katamaran. Ang nakaraan ay may competence, itong ngayon ay wala. Iyong nakaraan ay walang integrity samantalang itong ngayon ay mukhang mayroon pa naman hanggang ngayon,” bahagi ng pahayag ni Cruz.

Pinuna din ni Archbishop Cruz ang pagkilos ng Pangulong Aquino na base lamang sa dikta ng kanyang mga tauhan o “bulong brigade” sa Malacanang. Jocelyn Tabancgura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply