PNoy tiniyak na ‘no VIP treatment’ kay Garcia

WALANG special treatment na ibibigay kay retired Armed Forces of the Philippines (AFP) comptroller Carlos Garcia habang nakakulong sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, ayon sa utos ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

Tiniyak ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda ngayon (Biyernes, Setyembre 16) na ordinaryong preso ang magiging trato kay Garcia kahit pa retirado itong heneral.

“We can be certain of that. No VIP treatment to be given to anyone,” ang pahayag nito.

Sinabi pa niya na desisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na sa NBP ikulong si Garcia

Si Garcia ay inaresto kaninang umaga ng AFP matapos pagtibayin ni Pangulong Aquino ang kanyang sentensya sa salang paglabag sa Articles of War 96 at 97.

Ang naturang hatol ng AFP Court Martial ay noon pang 2005 pero hindi inaksyunan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tinuran ng opisyal na bukod sa naging hatol ng Court Martial ay tuloy din ang kaso nito sa Sandiganbayan kung saan pinipilit ng bagong Ombudsman na mapawalang-bisa ang pinasok na plea bargain agreement.

Aniya, walang teknikalidad ng pagpapatupad ng sentensya at hindi naman umano nagla-lapse hangga’t hindi nakukumpirma ng commander-in-chief.

“Distinct from the plunder case of the Sandiganbayan. This is a recommendation from the military court system. Sa Court Martial niya, this decision was rendered last December 2, 2005. It was never confirmed by the former PGMA during her term, so we are merely confirming the decision of the military court or the court martial,” pahayag ni Lacierda.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply