PNoy tiwala na dadami ang Chinese tourists sa PHL simula 2016

NATATANAW na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na tataas ng dalawang milyon ang bilang ng Chinese tourists na papasok ng bansa simula sa taong 2016.

Ayon sa Pangulo, ang pagtaas ng bilang ng Chinese tourist ay kasunod nang pagpapatupad nang nilagdaang Philippines-China Tourism Agreement na nakasaad sa joint tourism promotion and bilateral support para sa tourism affairs at exhibitions.

Sinabi pa ng Pangulo na nangako ang China na magbibigay ang pamahalaan ng grant para sa infrastructure mapping support.

Ang China ang ika-apat na pinakamalaking source ng tourist arrivals na bumibisita sa Pilipinas.

Noong nakalipas na taon ay pumalo sa 187,446 turistang Chinese ang dumating sa bansa at inaasahan pang lalago sa darating na mga taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply