PNoy tutulak pa-Japan bukas

TUTUNGO ng Japan bukas si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III para sa tatlong araw na working visit.

Sa tatlong-araw na biyaheng ito ay gagastos ang pamahalaan ng P20 milyon ngunit ayon kay Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., inaasahang mag-dudulot ito ng may $1-bilyong na investments at mahigit siyam na bilyong yen na official development assistance sa Pilipinas.

Ani Ochoa, kasama ni Pangulong Aquino ang 63 miyembro ng delegasyon na batay sa imbitasyon ng Japanese government.

Kabilang sa opisyal na delegasyon ay sina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Finance Secretary Cesar Purisima, Transportation Secretary Mar Roxas at Energy Secretary Jose Rene Almendras.

Layunin ng pagbisita na palakasin pa ang bilateral relations at strategic cooperation ng Pinas at Japan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply