PNP bulok mula sa baba hanggang sa taas

PATIBAYAN ng sikmura ang inihaharap sa mga nadidiskubreng kabulukan sa mga armadong sangay ng ating pamahalaan.

Lalo na sa nakawan o korapsyon.

oOo

Noong kinakalkal ng Senado ang korapsyon sa militar, maganda ang mga natunghayang panoorin sa Senado.

Unang-una, may lumabas na napakahusay kumanta ukol dito. Nayanig ang mga heneral, kasabay ng panginginig ng buto’t laman ng pamilya ng mga ito.

Katunayan, isa sa mga heneral ang nagbaril na lang sa ulo para matapos na ang kahihiyang dulot ng imbestigasyon. O mas malapit sa katotohanan, para matapos na ang usapin ng iskam na ikinukulapol sa kanya.

Ngayon ay nagpahinga na ang pambubulahaw ng multo sa militar.

Sana kasunod na nito ang mga pagbabago na inaasahan ng mga sundalong nasa bingit ng kamatayan hindi lang dahil sa mga kaaway ng gobyerno kundi dahil sa iskam sa pasalubong at pabaon ng kanilang mga sinasaluduhan at niyuyukuang heneral.

oOo

Dis taym, Suki, ang mga pulis naman ang tinatamaan ng kidlat. Pero lumalabas na mas matibay ang sikmura ng mga ito kumpara sa mga kumrad nila sa militar.

Walang umaamin at tila mahigpit ang pagkakaisa ng mga ito sa pagtatago ng kanilang nalalaman sa mga sarili nilang kabulukan.

At blesing in disgays ang pagsasampa ng kaso sa kanila ng CIDG sa Ombudsman.

Lalong walang maririnig na pangungumpisal ang mga pulis na ‘to at kung meron man silang masasabi, walang iba kundi ang nai-memorays na nilang “I invoke my right against self-incrimination.”

Tama si bay Drilon sa pagsasabing tapos ang maliligayang araw nila sa pagpapasikat, este, pag-iimbestiga in eyd op legisleysyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply