PNP electronic blotter sinisimulan nang gamitin

INUUMPISAHAN nang ibasura ng Philippine National Police (PNP) ang mano-manong sistema ng pagbo-blotter kasabay ng paglulunsad ng electronic blotter o e-blotter system.

Ipinagmalaki ni PNP Chief Raul Bacalzo na sa pamamagitan ng makabagong pamamaraang ito ay magiging mabilis na ang pagtanggap at pag-u-update sa mga tinatanggap nilang reklamo.

Maiiwasan na rin ang karaniwang reklamo sa mga pulis kung saan binubura o dinadagdagan ang mga detalyeng nakalagay sa blotter logbook.

Kasabay nito, siniguro rin ni Bacalzo na hindi ito ma-hahack ng basta basta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply