PNP handa na sa transport strike

HANDA ang Philippine National Police (PNP) sakaling matuloy ang planong tigil-pasada ng militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa Lunes (Setyembre 19).

Tiniyak ngayon ni PNP chief Deputy Director General Nicanor Bartolome sa publiko mayroon na aniya silang “template plan” sakaling sumiklab ang napipintong welga.

Aniya, nakipag-ugnayan na sila sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na nagpasabing handa itong makipagtulungan sa PNP at Armed Forces of the Philippines AFP upang matulungan ang mga maapektuhang commuters.

Nauna nang tiniyak ni Piston secretary-general George San Mateo na tuloy ang kanilang welga sa Lunes.

Ayon kay Mateo, wala aniyang kongkretong napag-usapan sa pakikipagharap nila kay Pangulong Benigno Aquino III noong Miyerkules.

Nakipagdayalogo si Aquino sa Piston at iba pang grupo ng sektor ng transportasyon sa Malakanyang upang resolbahan ang iba pang problema ng transport sector bukod sa mataas na presyo ng petrolyo.

Nauna rito, umatras na ang grupong Fejodap at Pasang Masda at iba pang grupo sa nasabing kilos-protesta.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply